Pulisya, kakasuhan ang mga raliyista na sumira sa gate ng kanilang kampo sa Cebu

By Len Montaño February 26, 2019 - 12:32 AM

Photo by Tonee Despojo

Magsasampa ng kaso ang Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7) laban sa 70 nagprotesta na sumira sa gate sa Camp Sergio Osmeña araw ng Lunes.

Ayon kay Sr. Supt. Oliver Lee, chief ng Regional Chief Directorial Staff (RCDC), kakasuhan nila ng malicious mischief resulting to damage to public property ang mga militante na sumalakay sa gate ng kampo kasabay ng paggunita sa EDSA People Power.

Kakasuhan ng pulisya ang pitong grupo kabilang ang Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Central Visayas, Bayan Muna, Karapatan, Anak Bayan, Gabriela, Anak Pawis at Piston.

Tinanggka ng mga raliyista na pasukin ang PRO-7 headquarters sa gitna ng pagpapatugtog ng pulisya ng musika kasabay ng protesta.

Iginiit ng mga militante na ang pagpapatugtog ng malakas na musika ng pulisya kasabay ng kanilang rally ay banta sa freedom of speech.

Sinabi naman ng pulisya na may karatapan din sila na huwag makinig sa protesta ng mga raliyista kaya sila nagpatugtog ng malakas.

TAGS: Camp Sergio Osmeña, EDSA People Power, gate ng kampo, kakasuhan, militante, nagpatugtog, sumira, Camp Sergio Osmeña, EDSA People Power, gate ng kampo, kakasuhan, militante, nagpatugtog, sumira

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.