Una rito ay pinangunahan ni dating NBA player Andray Blatche ang panalo ng Gilas kontra Kazakhstan para makuha ang huling spot sa Fiba Asia qualifier sa China.
Ito ang ikalawang sunod na World Cup appearance ng Gilas sa kabila ng ilang kontrobersya gaya ng riot sa laban sa Australia noong nakaraang taon kung saan nasuspinde ang 10 players ng bansa.
Bahagi na ng Pilipinas si Clarkson sa Asian Games noong 2018 pero ang World Cup na nasa ilalim ng Fiba rules ay isasailalim ito bilang “naturalized” dahil mayroon na itong Filipino passport noong siya ay 16 anyos.
Pero sa ilalim pa rin ng Fiba rules, isang naturalized player lamang ang pwedeng maglaro para sa Pilipinas kaya kailangang mamili sa pagitan nila ni Blatche.
Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio, kinukumbinse nila ang Fiba na payagan na ring maglaro si Clarkson sa World Cup bilang Gilas player.
Naniniwala ang Gilas na “deadly combination” sina Clarkson at Blatche para sa Pilipinas na natanggal sa preliminary round ng 2014 World Cup.