LOOK: Rami Malek, nahulog sa stage matapos manalong Oscars Best Actor
Matapos ang kanyang madamdaming talumpati nang tanggapin ang parangal bilang Best Actor sa 2019 Oscars para sa sa pelikulang ‘Bohemian Rhapsody,” nagkaroon ng maliit na aksidente si Rami Malek.
Habang pababa sa stage ay nahulog si Malek at nakunan ito ng mga larawan.
Sa mga larawan ay makikita na tinutulungan si Malek ng security staff na makabalik sa kanyang upuan.
Hindi naman seryoso ang kundisyon ni Malek pero nabatid na dinala ito sa pribadong kwarto para mabigyan ng medikal na atensyon.
Nasungkit ng aktor ang award dahil sa pagganap kay Queen vocalist Freddie Mercury.
Sa kanyang acceptance speech ay binanggit ni Malek ang pagpapa-kumbaba ni Mercury sabay sabi na kailangan ng publiko ang naturang uri ng istorya.
Ipinagmalaki rin ng aktor na anak siya ng mga immigrants mula Egypt, na isa siyang first-generation American at nakasulat na sa kasaysayan ang kanyang istorya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.