Duterte sa mga adik: ‘Wag ninyong saktan ang mga pari’
Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga drug addict sa bansa na huwag seryosohin ang kanyang payo noon na pukpukin ng tubo sa ulo o holdapin ang mga pari at mga obispong naglalakad sa lansangan.
Sa talumpati ng Pangulo sa Pasay City, sinabi nito na nakatanggap ng text message si dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go mula kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na nakatanggap ng death threat si Caloocan Bishop Pablo Ambo David at iba pang mga pari.
Ayon sa Pangulo, hindi dapat na saktan ang nga pari o obispo dahil wala naman itong kinalaman sa away pulitika.
Giit ng Pangulo, personal na away lamang ang nagaganap ngayon sa pagitan niya at mga obispo.
Kapag aniya niyari ng mga drug addict ang mga pari, obispo at ang mga imam, siya na ang makakalaban ng mga ito.
Una nang pinagsabihan ng Pangulo ang mga adik sa bansa na holdapin at patayin ang mga pari at obispong naglalakad sa lansangan.
Ikinagagalit ng Pangulo ang pagtuligsa ng mga lider ng Simbahang Katolika sa kanyang madugong kampanya kontra sa ilegal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.