Dating OMB Chair Ronnie Ricketts pinayagang makabiyahe abroad

By Erwin Aguilon February 25, 2019 - 10:46 PM

Kinatigan ng 4th Division ng Sandiganbayan ang hiling ni dating Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts na makabiyahe patungo sa labas ng bansa.

Sa mosyon ni Ricketts, humingi ito ng pahintulot sa korte na magtungo sa Japan mula March 1 hanggang 9.

Nakasaad sa mosyon na magtutungo sa nasabing bansa ang aktor upang magbakasyon kasama ang kanyang pamilya.

Paliwanag nito, noong Disyembre pa nila plano na makapagbakasyon upang makasama ng kanilang mga anak.

Sa orihinal na mosyon ni Ricketts ang kanyang hiling ay Marso 1-8 pero naghain ito muli ng mosyon at sinabi na ang lakad ay hanggang Marso 9.

Si Ricketts ay nahaharap sa kasong paglabag sa anti graft and corrupt practices act kaugnay ng maanomalya umanong pagpapalabas ng mga DVD at VCD na nakumpiska sa isang raid noong 2010 habang siya ay pinuno ng OMB.

TAGS: Bakasyon, dvd, Japan, Optical Media Board, ronnie ricketts, sandiganbayan, VCD, Bakasyon, dvd, Japan, Optical Media Board, ronnie ricketts, sandiganbayan, VCD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.