Duterte kumpyansang hindi siya ikukudeta ng militar at pulisya

By Chona Yu February 25, 2019 - 10:33 PM

Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maglulunsad ng kudeta ang militar at pulisya laban sa kanyang administrasyon.

Ayon sa Pangulo, tiyak na inaalala ng mga sundalo at pulis kung sino ang papalit sa kanyang puwesto.

Giit pa ng Pangulo, ikinukunsidera rin ng militar at pulisya ang kapakanan ng bansa.

Pakiusap ng Pangulo sa militar at pulisya, kapag nag-aklas laban sa pamahalaan ay huwag itong ibigay sa oposisyon.

Tiyak kasi aniyang wala ring mangyayari sa bayan.

Inihalimbawa pa ng Pangulo ang kudetang ikinasa noon kina dating Pangulong Corazon Aquino at Joseph Estrada na naging walang saysay lang dahil wala naman naging pagbabago sa bansa.

TAGS: dating Pangulong Corazon Aquino, dating Pangulong Joseph Estrada, kudeta, Militar, oposisyon, pulisya, Rodrigo Duterte, dating Pangulong Corazon Aquino, dating Pangulong Joseph Estrada, kudeta, Militar, oposisyon, pulisya, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.