Isa na namang pagsabog, naitala sa Cotabato City
By Kathleen Betina Aenlle November 26, 2015 - 06:16 AM
Ikaapat nang naitala sa loob lamang ng dalawang linggo ang panibago na namang insidente ng pagpapasabog sa Cotabato City na naganap alas sais ng gabi ng Miyerkules.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, nangyari ang pagsabog sa loob ng headquarters ng 6th Civil Military Operations sa Quezon Avenue Extension sa Cotabato City.
Narekober ng Army explosive ordinance disposal team ang mga fragments ng hinihinalang granada.
Hindi pa natutukoy ng mga otoridad ang motibo at kung sino ang nasa likod nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.