Huling tatlong taon sa war on drugs mas madugo ayon kay Duterte
Dapat nang ikunsidera ng mga drug personalities na pinaka-delikadong panahon ang natitirang tatlong taong panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.
Babala ng pangulo sa mga drug pusher, trafficker at drug lord na huwag gumawa ng illegal na aktibidad sa ilalim ng kanyang nahuhuling termino dahil tiyak na madidisgrasya sila.
Ayon sa pangulo, ang drug-free na bansa lamang ang kanyang maiiwang legasiya sa mga Filipino.
Bahala na aniya ang mga drug personalities na bumalik sa kanilang operasyon sa termino ng susunod na pangulo ng bansa.
Una nang sinabi ng pangulo na asahan nang mas magiging madugo pa ang kampanya kontra sa illegal na droga sa mga susunod na araw.
Kahapon ay sinabi rin ng pangulo na siya mismo ang pagpapatay sa drug lord na si Peter Lim kapag nag-krus ang kanilang landas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.