Edsa celebration generally peaceful ayon sa PNP
Naging mapayapa ang selebrasyon ng ika-33 anibersaryo ng Edsa People Power revolution ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni PNP spokesperson Sr. Supt. Bernard Banac na walang untoward incident na naganap sa bansa.
Nakahanda pa rin aniya ang mga nakatalagang pulis para magbigay ng seguridad hanggang Lunes ng gabi.
Sa Metro Manila, nasa 2,000 pulis ang ipinakalat lalo na sa mga lugar na pinagdarausan ng rally.
Samantala, naglabas din ng direktiba si National Capital Region Police Office (NCRPO) director Guillermo Eleazar sa pagpapatupad ng ‘maximum tolerance’ sa mga ikinasang protesta sa Metro Manila.
Kanina ay sinabi rin ni Eleazar na wala silang banta na namonitor kaugnay sa selebrasyon sa Edsa.
Samantala, hindi nakadalo sa Edsa People Power anniversary si dating Pangulong Fidel Ramos.
Sinabi ni Pastor Boy Saycon ng Edsa People Power Commission na may karamdaman ang dating pangulo kasabay ng paghingi ng panalangin sa publiko para sa mabilis na paggaling ni Ramos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.