NCRPO: Walang banta sa Edsa anniversary celebration

By Angellic Jordan February 25, 2019 - 05:58 PM

Inquirer photo

Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa publiko na walang na-monitor na anumang banta ng terorismo sa selebrasyon ng ika-tatlumpu’t tatlong anibersaryo ng Edsa People Power Revolution.

Sa isang panayam, sinabi ni NCRPO Director Guillermo Eleazar na aabot sa dalawang libong pulis ang ipinakalat para masiguro ang kaligtasan sa EDSA Shrine.

Nagtalaga rin aniya ng mga pulis sa iba pang lugar na pinagdarausan ng mga rally tulad sa Mendiola Bridge, Monumento at labas ng Camp Aguinaldo at Camp Crame.

Taun-taun na aniya ang pagdiriwang ng Edsa revolution kaya’t nag-deploy ng sapat na bilang ng mga pulis sa iba’t ibang lugar.

Ngayong araw ay 2,000 ang itinalaga ng NCRPO bara bantayan ang mga aktibidad kaugnay sa Edsa People Power anniversary.

TAGS: 33rd, edsa, eleazar, NCRPO, People Power, 33rd, edsa, eleazar, NCRPO, People Power

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.