Duterte kay Peter Lim: Papatayin kita

By Chona Yu February 25, 2019 - 05:17 PM

“Papatayin kita”.

Ito ang panibagong banta ni Pangulong Rodrigo Duterte kay suspected Cebu drug lord Peter Lim.

Sa talumpati kagabi ng pangulo sa Cebu City, sinabi nito hindi na dapat na magpakita sa Pilipinas si Lim dahil kapag nagkataon, tatapusin niya ang negosyante.

Dapat aniyang maghanap na si lim sa kung saang impyerno gustong pumunta.

Ayon sa pangulo, pinagbantaan na niya noon sa harap ng telebisyon si Lim na umiwas na sa operasyon ng ilegal na droga.

Una rito, pinayuhan ng pangulo si Lim na mag-suicide na lamang dahil kapag naaresto ay ikukulong niya ito ng dalawang daang taon.

Kasama si Lim sa listahan ng pangulo ng mga top drug personalities sa bansa.

Hindi naman matiyak ng Bureau of Immigration kung nasa Pilipinas pa si Lim dahil sa dami ng kanyang kapangalan sa kanilang talaan.

TAGS: bureau of immigration, Cebu City, drugs, duterte, Peter Lim, bureau of immigration, Cebu City, drugs, duterte, Peter Lim

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.