7-security inspection protocol ipinatutupad na ng MIAA

By Angellic Jordan February 25, 2019 - 04:13 PM

Inquirer file photo

Pinaalalahanan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang publiko na makiisa sa security screening procedures sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal na hindi dapat ikonsidera ang security checks na abala.

Layon aniya nitong maprotektahan ang libu-libong pasahero araw-araw.

Bago kasi umabot sa pre-departure gate, kinakailangang dumaan ang mga pasahero sa pitong security inspections sa pagpasok ng airport terminal.

Mayroon ding apat na level of safety ang check-in bags bago mailagay sa eroplano.

Ayon sa MIAA, ang naturang security procedures ay ipinatutupad kasunod ng standards ng International Civil Aviation Organization (ICAO) at National Civil Aviation Security Program (NCASP).

Sa datos ng NAIA, kabuuang 2,291 na ipinagbabawal na gamit ang nahuli sa paliparan taong 2018.

Kabilang dito ang mga bala at armas.

Hiniyakat naman ng MIAA ang publiko na i-review ang listahan ng mga ipinagbabawal na dalhing gamit sa Office for Transport Security.

TAGS: Airport, Ed Monreal, ICAO, miss, NAIA, ncasp, Security, Airport, Ed Monreal, ICAO, miss, NAIA, ncasp, Security

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.