PNP: 2 police escorts pwedeng italaga sa bawat kandidato

Inquirer file photo

Nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa mga kandidato sa 2019 midterm elections na maari lamang nagkaroon ng dalawang security escort sa election period.

Sa isang panayam, sinabi ni PNP Spokesperson Senior Superintendent Bernard Banac maaaring bigyan ng security escort mula sa pulis o militar kung mayroong banta sa kanilang buhay.

Dapat aniyang na-validate ito ng Commission on Elections (Comelec).

Sakaling lumagpas sa dalawa, maaari aniyang maaresto ang kandidato dahil paglabag ito sa batas sa panahon ng eleksyon.

Hinikayat naman ni Banac ang publiko na i-report ang makikitang lalabag sa naturang polisiya.

Layon aniya nitong maiwasan ang tensyon sa kasagsagan ng eleksyon.

Read more...