Pangulong Duterte pabor na mag-asawa ang mga pari

By Chona Yu February 25, 2019 - 01:53 PM

Pabor si Pangulong Rodrigo Duterte na payagan nang mag-asawa ang mga pari.

Ito ang nakikitang solusyon ng pangulo sa problema ng Simbahang Katolika.

Ayon sa pangulo, pabor na rin siyang makapag-asawa ang mga baklang pari o ang same sex.

Gayunman, hindi na tinumbok ng pangulo kung anong partikular na problema ng Simbahang Katolika ang kanyang tinutukoy.

Una rito, inamin mismo ni Pope Francis na may nagaganap na imoralidad sa kanilang hanay kung saan nasasangkot ang mga pari sa mga sexual abuses.

TAGS: Mag-asawa, Pangulong Rodrigo Duterte, pari, Simbahang Katolika, Mag-asawa, Pangulong Rodrigo Duterte, pari, Simbahang Katolika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.