BOC maglalagay ng helpdesk para sa mga may transaksyon sa nasunog nilang gusali
Bumuo na ang Bureau of Customs (BOC) ng helpdesk o isang Special Response Team na tutugon sa mga tanong at iba pang concerns ng mga stakeholders sa aduana matapos ang sunog sa gusali ng Kawanihan nitong weekend.
Ayon sa BOC, ilalan ang helpdesk na para sa mga may transaksyon sa Port of Manila.
Hinihikayat ng Customs ang mga stakeholders na mag-email sa kanilang ([email protected])
Para sa progress ng bawat tanong o request ay mayroong ticketing system ang BOC.
Lahat ng tickets ay idudulog electronically sa kinauukulang opisyal ng POM
Ililipat muna sa BOC Gymnasium ang mga sumusunod na tanggapan:
— District Collector’s Office
— Formal Entry Division
— Informal Entry Division
— Auction Cargo disposal Division
Maglalagay din ang Customs ng One Stop Shop sa bakanteng area sa gilid beside PUC Port Users Confederation Office.
Pansamantala ang pagproseso ng tinatawag na arrastre at wharfage payments ay gagawin sa Asian Terminal Passenger Terminal Gate 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.