Trunkline ng complaint hotline na 8888 pinadadagdagan ni Pang. Duterte sa PLDT

Pinadadagdagan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Long Distance Telephone (PLDT) company ang trunkline ng 8888.

Ang 8888 ay ang hotline number ng pamahalaan na sumbungan ng publiko sa mga katiwalian sa gobyerno.

Ayon sa pangulo, hindi kasi makaya ng nag-iisang hotline lang dahil sa dami ng callers.

Palagi aniyang busy ang linya.

Banta ng pangulo sa PLDT kapag hindi tumalima sa kanyang utos, ipasasara niya ang naturang kumpanya.

Iginiit ng pangulo na aabot pa sa P8 bilyon ang utang ng PLDT sa gobyerno.

Taong 2016 nang itatag ng pangulo ang complaint hotline na 8888.

Read more...