Panunungkulan ni BSP Governor Espenilla inalala ni Speaker GMA
Pinamunuan ng pumanaw na si Governor Nestor Espenilla ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng may mataas na dignidad.
Ganito inilarawan ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang naging pamumuno ni Espenilla sa BSP.
Ayon kay Speaker GMA, isinulong ni Espenilla ang “Continuity Plus Plus” program bilang tugon sa responsibilidad na iniatang sa kanya ng pangulo na pamunuan ang Bangko Sentral.
Kasama rin dito ang pagpapalakas sa economic foundation ng bansa sa pamamagitan ng mga economic policy.
Paliwanag pa ni Speaker GMA, maging noong siya ay pangulo pa at deputy vice governor pa lamang ng BSP si Espenilla ay nagpakita na ito ng katangi-tanging pamumuno sa nakapaka sensetive na Supervision and Examination Sector.
Ipinagmamalaki anya niya ang mga accomplishments ni Espenilla noong siya ay pangulo kasabay ng pagsaludo rito sa kanyang pagtatrabaho sa ilalim ng Duterte administration.
Kasabay bito, nagpaabot naman ng pakikidalamhati si Speaker GMA sa pamilyang naulila ni Espenilla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.