Sa update ng PAGASA, alas 10:00 ng umaga kanina huling namataan ang bagyo sa layong 1,740 kilometers East ng Southern Luzon.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 225 kilometers bawat oras.
Halos hindi kumikilos ang bagyo sa direksyong Northwest.
Ayon sa PAGASA, inaasahang hihina ang bagyo habang ito ay papalapit sa bansa dahil sa malakas na hangin na dulot ng Northeast Monsoon.
Sa Miyerkules inaasahang isa na lamang itong Severe Tropical Storm at magiging Tropical Storm na lamang sa Huwebes.
Bagaman papasok ito sa bansa ay hindi naman ito tatama sa kalupaan.