Bahagi ng Baywalk sa Roxas Blvd., binakbak na para para sa pagpapatuloy ng rehabilitasyon sa Manila Bay
Puspusan na ang paghahanda sa gagawing dredging o desilting ng mga basura sa Manila
Bay.
Apat na heavy equipment na ang naka-pwesto sa bahagi ng US Embassy.
Araw ng Lunes (Feb. 25) binakbak na ang bahagi ng Baywalk para mas maluwag na makadaan ang mga truck at iba pang parating na equipment na gagamitin sa rehabilitasyon ng Manila bay.
Pinutol na rin ang isang parte ng upuan ng mga namamasyal sa Baywalk para magkasya ang papasok na mga equipment patungog seawall.
Dahil holiday ngayong araw, may mangilan-ngilan pa ring namasyal sa Baywalk.
Ipinagbabawal muna ang pagbibisikleta malapit sa breakwater dahil may mga nakapwesto nang heavy equipment.
Maari namang magamit ng mga bikers ang bike lane malapit sa mga tanim na halaman sa malapit sa Roxas Blvd.
Nitong Sabado, nagsagawa na ng dry run ang DENR at DPWH sa paghahakot ng basura sa Manila Bay at gaya ng inaasahan, madaming burak ang nahakot, at mga basura kasama ang mga goma o gulong ng sasakyan na nakuha sa dagat.
Ayon sa DENR, sa susunod na buwan ay pormal nang sisimulan ang malawakang desilting mga 100 metro ang lawak mula sa seawall na may habang 1.5 kilometro mula US embassy hanggang Manila Yacht Club.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.