Mayor sa Maguindanao na kasama sa drug watchlist ni Pangulong Duterte arestado sa kasong murder
Inaresto ng mga otoridad ang isang mayor sa Maguindanao dahil sa kinakaharap nitong kasong murder at multiple murder.
Si Mayor Norodin Salasal ng Datu Salibo, Maguindanao ay dinakip ng mga tauhan ng Buldon police office, Maguindanao police office at mga tauhan ng Aviation Security Group (Avsegroup-12).
Ayon sa PNP-ARMM, isinilbi kay Salasal ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Bansawan Ibrahim ng Regionl Trial Court Branch 13 para sa kaso nitong murder at multiple murder.
Kararating lamang sa Cotabato Airport ni Salasal galing sa Maynila nang siya ay dakipin.
Si Salasal ay kasama sa drug watch list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.