Walang Pinoy na nadamay sa tangkang pag-hijack sa eroplano sa Bangladesh

By Dona Dominguez-Cargullo February 25, 2019 - 09:58 AM

Walang Pinoy na nadamay sa tangkang pag-hijack sa isang eroplano galing Bangladesh at patungo ng Dubai.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) walang Filipino na sakay ang Biman Bangladesh flight na nag-emergency landing 40-minuto matapos mag-take off.

Sa ulat ng Philippine Embassy sa Dhaka ang Flight BG-147 na patungong Dubai ay nag-emergency landing sa Chattogram airport sa eastern side ng Bangladesh matapos na isang lalaking pasahero ang nangtangkang i-hijack ang eroplano.

Ligtas naman ang lahat ng pasahero ng naturang eroplano matapos na mailikas ang mga ito.

TAGS: Bangladesh, DFA, dhaka, Emergency landing, highjack attempt, Bangladesh, DFA, dhaka, Emergency landing, highjack attempt

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.