ASG, ISIS may banta kay Pangulong Duterte

By Chona Yu February 25, 2019 - 08:42 AM

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinag-iingat siya ng militar dahil sa may bantang suicide bomber ang Abu Sayyaf Group at ISIS.

Pero ayon sa pangulo, hindi siya natatakot na mamatay.

Bwelta pa ng pangulo dapat na maghanda ang mga terorista ng mga bomba dahil pupuntahan niya ang mga ito at siya mismo ang magtatanggal ng pin para sama-sama silang magpunta sa impyerno.

Ayon sa pangulo, gusto na rin niyang mamatay at magpahinga dahil sa tambak na trabaho sa Malakanyang.

Aminado ang pangulo na wala nang pag-asa ang Abu Sayyaf at ISIS dahil wala nang ideology at bankrupt na ang ipinaglalaban ang mga ito.

TAGS: abu sayyaf group, ISIS, Rpdrigo Duterte, abu sayyaf group, ISIS, Rpdrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.