Sa 3-day estimate ng industry tracker na Exhibitor Relations, ang naturang pelikula ay kumita na ng $55.5 million.
Mas malaki na ito kumpara sa part 1 at 2 ng nasabing pelikula na umabot sa $50 million sa opening.
Tampok sa nasabing pelikula ang mga boses nila Jay Baruchel, America Ferrera, Cate Blanchett at F. Murray Abraham.
Pumangalawa naman sa North American box office ang “Alita: Battle Angel” ($12M), habang nasa ikatlong pwesto ang “The Lego Movie 2: The Second Part” ($10M), ikaapat ang “Fighting With My Family” ($8M) at nasa panglima ang “Isn’t It Romantic” ($7.5M).
Ang iba pang nasa top 10 ay ang sumusunod:
– “What Men Want” ($5.2 million)
– “Happy Death Day 2U” ($5 million)
– “Cold Pursuit” ($3.3 million)
– “The Upside” ($3.2 million)
– “Run the Race” ($2.3 million)