7 patay sa engkwentro sa mga otoridad sa Batangas

By Dona Dominguez-Cargullo February 25, 2019 - 07:53 AM

Photo: Batangas Police via Inquirer Southern Luzon

Patay ang pitong lalaki matapos maka-engkwentro ng mga tauhan ng Batangas pulis sa bayan ng Agoncillo.

Sa spot report ng Batangas police provincial office, naganap ang engkwentro alas 4:45 ng umaga ng Lunes, Feb. 25 sa Barangay Banyaga.

Sakay umano ng puting van ang mga suspek nang takasan nito ang checkpoint sa Barangay Berinayan sa bayan ng Laurel at pinaputukan pa ang mga pulis.

Doon na sila hinabol ng mga pulis ang mga suspek na nauwi sa palitan ng putok.

Iniuugnay ang pitong suspek sa serye ng robbery sa lalawigan.

Pinakahuling pinasok umano nila ang isang grocery store sa bayan ng Taal at tinangay nila ang aabot sa P150,000.

Sila din umano ang nasa likod ng insidente ng panloloob sa agriculture store sa bayan ng San Jose noong Agosto at Oktubre kung saan natangay naman nila ang P1.3 million na cash.

TAGS: 7 killed, Agoncillo, Batangas, encounter, 7 killed, Agoncillo, Batangas, encounter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.