11 arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City

By Dona Dominguez-Cargullo February 25, 2019 - 06:56 AM

Arestado ang labingisang katao sa ikinasang magkahiwalay na operasyon sa Quezon City.

Sa Barangay Holy Spirit, arestado ang anim na katao kabilang ang dalawang college students na nakatakda na sanang magtapos.

Ikinasa ang operasyon alas 2:00 ng madaling araw, kung saan target ng operasyon ang isang alyas James.

Nagsumbong umano ang mga residente sa lugar na ginagamit bilang drug den ang bahay ni James.

Nang dumating sa lugar, nadatnan din ang mga parokyanong gumagamit ng ilegal na droga.

Samantala sa Barangay Culiat naman, arestado ang apat na lalaki at isang menor de edad na babae.

Ito ay matapos maaktuhan silang gumagamit ng shabi sa isang bahay sa naturang barangay.

Ayon sa mga tauhan ng Quezon City police, itinago pa sa flute ang mga ilegal na droga upang hindi ito mahalata.

TAGS: 11 arrested, buy bust operation, culiat, Holy Spirit, quezon city, War on drugs, 11 arrested, buy bust operation, culiat, Holy Spirit, quezon city, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.