Gilas Pilipinas, pasok na sa 2019 FIBA Basketball World Cup
Pasok na ang Gilas Pilipinas sa FIBA Basketball World Cup sa China ngayong taon.
Sa iskor na 93-75, nagwagi ang Gilas kontra sa Kazakhstan sa Asian qualifiers match sa Veldrome Saryarka sa Astana, Kazakhstan.
Dahil dito, nasa ikaapat na pwesto na ang Gilas sa Group F na mayroong 7-4 win-loss record.
Umarangkada sa laban ang Gilas Pilipinas center na si Andray Blatche matapos makapagtala ng 41 points at 14 rebounds sa laban.
Nanatiling tutok ang 5-time PBA Most Valuable Player na si June Mar Fajardo para ipagpatuloy ang nasimulang magandang laro ng Philippine team.
Matinding depensa ang ipinamalas ng Gilias sa second half ng laro sa kabila ng kanilang 12 puntos na kalamangan.
Idaraos ang FIBA Basketball World Cup sa ilang lungso sa China sa buwan ng Agosto ngayong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.