Van na may lamang election paraphernalia hinarang sa Dipolog, Zamboanga del Norte

By Angellic Jordan February 24, 2019 - 11:54 PM

Hinarang ng pulisya ang isang pribadong delivery van na naglalaman ng mga election paraphernalia sa Dipolog, Zamboanga del Norte araw ng Martes (February 19, 2019).

Sa ulat ng Dipolog police, isang concerned citizen ang nag-report sa pulisya ukol sa van na may plakang UJO569.

Ang van ay mula sa F2 logistics company na nagsisilbing courier service ng Commission on Elections (Comelec) sa naturang probinsya.

Nagmula ang van sa apartment ng isang Jayrald Tañafranca sa Barangay Estaka. Si Tañafranca ay isang coordinator mula sa F2 logistics.

Sa inihaing complaint-affidavit ng kumpanya, inilahad nito na walang warehouse ang Comelec sa Dipolog City kung kaya’t
pansamantalang inilagay ang mga election paraphernalia sa apartment ni Tañafranca.

Agad pinapuntahan sa mga pulis ang nasabing van na minamaneho ng isang Sherwin Rellosa.

Nadatnan ng mga otoridad si Rellosa at ang pahinante nito na kumakain sa Jo’s Inato Restaurant sa bahagi ng Garcia Street corner Bonifacio Street.

Dagdag pa ng pulisya, pinangunahan ni Police Supt. Gilzen Niño Manese, chief of police ng Dipolog police, kasama ang City Comelec at National Bureau of Investigation (NBI), ang paghingi ng mga dokumento kina Rellosa ukol sa mga dalang election paraphernalia.

Ngunit ayon sa drayber ng van, maliban sa mga dokumento, pinilit pang ipabukas ng mga pulis ang likod ng van para makita ang laman nito.

Sinabi pa umano ng mga pulis na kung hindi bubuksan, ma-iimpound ang van.

Dahil dito, napilitan si Rellosa na buksan ang likod ng van. Doon na tinawagan ang kanilang area manager na si Nedon Sienes para ipaalam ang insidente.

Sinabi umano ni Sienes na hindi maaaring buksan ang van nang walang kasamang opisyal mula sa Comelec kaya’t agad ding sinara ng mga pulis ang van.

Dinala pa ang van sa Dipolog City Police Station para sa proper recording ng insidente.

Matapos makapagpakita ng mga legal na dokumento at delivery papers, pinayagan ding makabiyahe ang van sa kanilang destinasyon.

Iginiit naman ng Dipolog police na walang naganap na harassment at maayos na nakipag-usap ang drayber at pahinante ng van.

Pinag-aaralan ng kumpanyang F2 kung magsasampa sila ng kaso laban sa Dipolog police ng illegal search and detention.

TAGS: 2019 elections, comelec, Dipolog, Dipolog police, election paraphernalia, F2 Logistics company, Zamboanga del Norte., 2019 elections, comelec, Dipolog, Dipolog police, election paraphernalia, F2 Logistics company, Zamboanga del Norte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.