Typhoon Wutip, posibleng pumasok sa PAR sa Miyerkules o Huwebes – PAGASA

By Angellic Jordan February 24, 2019 - 09:26 PM

PAGASA photo

Posibleng pumasok ang Typhoon Wutip sa Philippine Area of Responsibility (PAR) anumang araw ngayong linggo.

Ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio, maaaring pumasok ang bagyo sa Miyerkules (February 27) o Huwebes (February 28).

Oras na makapasok sa PAR, papangalanan na ang bagyo na ‘Betty.’

Bandang 3:00, Linggo ng hapon huling namataan ang bagyo sa layong 1,940 kilometers east ng Southern Luzon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour at pagbugsong 225 kilometers per hour.

Tinatahak ng Typhoon Wutip ang direksyong pa-Hilagang Kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.

Samantala, patuloy namang makaaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa buong bansa.

Inaasahang makararanas ng maayos na panahon sa buong bansa sa araw ng Lunes.

Tanging isolated light rain lamang ang iiral sa bahagi ng Bicol region at probinsya ng Cagayan, Isabela, Quezon, Surigao, Compostela Valley at Davao Oriental.

TAGS: Pagasa, PAR, Typhoon Wutip, Pagasa, PAR, Typhoon Wutip

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.