Publiko, hinikayat ng Comelec na manood ng mga senatorial debate

Photo grab from Twitter account of Comelec spokesman James Jimenez

Hinikayat ng Commission on Elections (Comelec) ang mga botante na manood ng mga senatorial debates.

Sa Twitter, inihayag ni Comelec spokesperson James Jimenez na ang debate ay isang paraan para makakuha ng impormasyon sa mga tumatakbong kandidato.

Makatutulong aniya ito para makapili nang tama sa darating na 2019 midterm elections.

Mahigit-kumulang 100 ang kwalipikadong kandidato sa pagka-senador.

Matatandaang nagpaalala rin si Jimenez sa tamang paraan ng pag-shade ng kanilang balota sa eleksyon.

Read more...