Nasunog ang 14 kabahayan makaraang sumiklab ang sunog sa Barangay Bunawan Proper sa Davao City, Linggo ng hapon.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagmula ang apoy sa kusina ng pamilya Pino sa bahagi ng Purok 10 sa Bosque.
Ngunit, hindi pa naman natutukoy ng BFP ang naging sanhi ng sunog.
Naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.
Sa ngayon, pansamantalang namamalagi ang mga apektadong pamilya sa isang pampublikong paaralan sa lugar.
Napagkalooban naman ng ayuda ang mga pamilya tulad ng pagkain at damit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.