DOLE, nagpaalala sa tamang pay rules sa EDSA People Power Holiday

By Angellic Jordan February 24, 2019 - 07:36 PM

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa tamang pay rules ng mga employer sa kanilang mga empleyado kasunod ng ika-33 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Lunes, February 25.

Ang nasabing anibersaryo kasi ay itinakda bilang special non-working holiday.

Base sa umiiral na Labor Advisory No. 3, sinabi ng DOLE na kung hindi nagtrabaho ang empleyado, magiging epektibo ang ‘no work, no pay’ principle depende sa polisiya ng kumpanya.

Para naman sa mga magtatrabaho sa special non-working day, dapat makatanggap ang bawat empleyado ng karagdagang 30 porsyento ng kanilang daily rate sa unang walong oras ng trabaho.

Samantala, makatatanggap ng dagdag na 30 porsyento sa hourly rate ang mga empleyadong nagtrabaho nang lagpas sa walong oras.

Kapag tumapat naman sa rest day o day off pero pumasok ang empleyado, babayaran ito ng karagdagang 50 porsyento ng kaniyang daily rate.

Kung humigit pa sa walong oras ang duty ay mayroon pa itong 30 porsyento na hourly rate.

TAGS: DOLE, EDSA People Power, special non-working holiday, DOLE, EDSA People Power, special non-working holiday

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.