Robredo: Ang Diwa ng EDSA revolution ay para sa lahat ng Pilipino

By Angellic Jordan February 24, 2019 - 06:54 PM

Inihayag ni Vice President Leni Robredo na ang diwa ng EDSA People Power revolution ay para sa lahat ng Pilipino at hindi lamang sa aniya’y tinatawag na ‘dilawan.’

Sa kaniyang Facebook page, inilabas ni Robredo ang kaniyang pahayag kasunod ng paggunita sa ika-33 anibersaryo ng EDSA revolution.

Paliwanag ni Robredo, walang iisang kulay o grupo ang nagmamay-ari ng tagumpay laban sa diktadurya.

Dapat aniyang maalis ang misconception na ang EDSA ay para sa mga ‘dilawan.’

Aniya, insulto ito para sa mga Pilipinong nakiisa noong 1986 na wala namang political affiliations.

Dapat aniyang alalahanin ang sakripisyo ng lahat ng Pilipino para mabago ang hindi magandang sistema sa bansa noon at ang mga aral nito.

Sinabi pa ni Robredo na dapat magsilbing paalala ang EDSA Revolution na ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga ordinaryong Pilipino.

Sa tulong ng pagkakaisa, ang imposible gawin ay maaari aniyang maisakatupan sa bansa.

TAGS: EDSA People Power Revolution, Vice President Leni Robredo, EDSA People Power Revolution, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.