Imbestigasyon sa natagpuang shabu shipment, hindi mauudlot – BOC
Iginiit ng Bureau of Customs (BOC) na hindi mauudlot ng sumiklab na sunog sa kanilang gusali ang isinasagawang imbestigasyon ukol sa bilyun-bilyong shabu shipment.
Sa isang panayam, tiniyak ni BOC spokesperson Erastus Austria na hindi mapupurnada ang imbestigasyon dahil iba ang lokasyon ng Customs Intelligence and Investigation Service.
Posible kasi aniyang nababahala ang ilan sa maantala ang imbestigasyon ng BOC sa natagpuang shabu sa loob ng magnetic lifters sa Maynila at Cavite noong 2018.
Aniya, hindi magkakaroon ng delay sa imbestigasyon.
Apektado sa sunog ang dalawang palapag ng BOC building sa 16th street South Harbour sa Maynila.
Sa ngayon, patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon sa naging sanhi ng sunog sa gusali ng BOC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.