OWWA, CCP nakatanggap ng notice of violation sa posibleng pagdumi ng Manila Bay
Nakatanggap ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) headquarters sa Pasay City ng notice of violation dahil sa posibleng epekto nito sa pagdumi ng Manila Bay.
Maliban sa OWWA, naglabas rin ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) ng kaparehong notice of violation sa Main-Annex Building ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Pasay City.
Ayon sa ulat, binigyan ng LLDA ang OWWA at CCP ng 15 araw para ipagliwanag ang kanilang wastewater at solid waste management system.
Sa tala ng LLDA, nasa 60 establisimyento sa paligid ng Manila Bay ang posibleng mayroong hindi maayos na wastewater system sa Manila Bay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.