Duterte inatasan sina Galvez, Salapuddin para makipag-usap kay Misuari
Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Presidential Adviser on the Peace Process secretary Carlito Galvez at dating congressman Gerry Salapuddin na umpisahan na ang pakikipag-usap kay Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari.
Ito ay matapos manumpa noong Biyernes ang mga miyembro ng Bangsamoro Transitition Authority (BTA) na pansamantalang mamahala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Galvez na uumpisahan ang pakikipag-usap kay Misuari sa pamamagitan ni Peace Adviser undersecretary Nabil Tan.
Maari aniyang mag-umpisa sa susunod na linggo ang naturang pag-uusap.
May maganda na aniyang pundasyon ang pamahalaan at MNLF dahil sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Sa ngayon, hindi pa matiyak ni Galvez kung aalukin din ni Pangulong Duterte si Misuari ng sariling Bangsamoro region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.