Umano’y Visa Scam sa Clark, inireklamo

By Kathleen Betina Aenlle November 26, 2015 - 04:12 AM

 

Bureau of ImmigrationHiniling ng mga opisyal at tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Angeles City, Pampanga kay Commissioner Seigfred Mison na maimbestigahan at ilipat ang isa nilang officer.

Ito ay dahil umano sa paglabag ni officer Janice Christine Corres sa tamang proseso ng visa extensions na linggu-linggong isinusumite para sa mga Chinese guests at empleyado ng isang kumpanyang naka-base malapit sa Clark Freeport.

Pero pinabulaanan ni Corres ang mga nasabing alegasyon at sinabing walang basehan ang mga ito, at handa siyang humarap sa anumang imbestigasyon para lumabas ang katotohanan.

Depensa naman ng Fontana Leisure Estate sa pamamagitan ng kanilang chief executive officer na si Manuel Sequeira na lehitimo lahat ng transaksyon nila sa BI.

Ang asawa ni Corres na si Albert ay empleyado ng may-ari ng Fontana na Jimei International.

Ani Sequiera, otorisado si Albert na mangasiwa sa mga application for visa extensions ng mga high rollers at mga empleyado ng Jimei’s Next Gaming sa kanilang online gaming at call center operations.

Ipinaalam kay Mison na si Corres umano bilang isang alien officer ay nag-aapruba ng 100 hanggang 200 visa extensions linggu-linggo nang wala man lamang personal appearance ng mga foreign applicants, at kung minsan pa ay kulang ang kanilang mga sinusumiteng dokumento.

Dahil dito, hindi makumpirma ng mga empleyado ng BI kung tunay nga ba ang mga fingerprints na nasa immigration clearance certificates ng mga dayuhan.

Nanindigan naman si Corres na imposibleng magkaroon ng iregularidad dito dahil gumagamit ng step-by-step system na transaksyon ang kanilang field office.

Handa naman si Sequiera na buksan ang kanilang mga records para patunayan na wala ring anomalya sa panig ng Fontana.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.