“MANYAK NA MGA PARI, MAGSISI NA KAYO!” – sa Wag Kang Pikon ni Jake Maderazo

By Jake J. Maderazo February 24, 2019 - 12:13 PM

 

Courtesy of Vatican News

Katatapos lamang ng  “Vatican summit on clergy sex abuse” na ipinatawag ni Pope Francis kung saan dumalo doon ang 190 Catholic leaders sa buong mundo sa loob ng tatlo at kalahating araw para talakayon ang mga “sexual abuses”  ng mga pari .  Noong 2010, si Pope Benedict ay  nag-isyu ng “public apology” sa mga sexual abuses ng mga pari noon sa Ireland.

Ayon kay Pope Francis, hindi na kailanman itatago ng Simbahan ang isyu ng sexual abuse.  Ang “summit” ay inatasan niyang gumawa ng mga mekanismo para hikayatin ang mga biktima na magreklamo. Nauna rito, tinanggalan ng abito ni Pope Francis si  dating  US cardinal Theodore Derrick matapos mambiktima ng  lalaking teenager 50 years ago.

Kasama sa nagtalumpati sa Vatican summit , si Manila Archbishop Luis Cardinal Antonio Tagle na napaiyak sa umano’y mga malalim na sugat na ibinigay ng mga Obispo at abusadong pari sa mga biktima.  Kasama rin kaya sa iniyakan ni Cardinal Tagle  ang mga pang-aabuso sa Pilipinas?

Noong 2002, si CBCP president Orlando Quevedo ay nag-”public apology”  dahil 200  sa higit  7,000  pari sa bansa ay may reklamong sexual misconduct,  kabilang ang child abuse, homosexuality, at love affairs

Noong 2011, si Butuan Bishop Juan de De Leon Pueblos ay inakusahan ng “cover-up kay Father Fraul Cabonce na umano;y nanggahasa ng paulit ulit sa isang 17 year old  high school graduate at scholar ng St. Anne Parish.

At nitong 2017 isang Monsignor Arnel Lagarejos sa Antipolo diocese ang hinuli ng pulis sa aktong  dadalhin sa “motel” ang 13 years old na out of school na babae.

Kalat din ang mga balitang may  Obispo na nagkaanak sa isang babae at pinagretiro na lamang ng Simbahang katoloko. Meron ding balita na isa pang Obispo na umano’y meron ding asawa.

Nitong nakaraang linggo, sa Oakland California, USA, inilathala  ang  pangalan ng 45 pari , deacons at “religious brothers” na merong reklamo ng sexual misconduct mula pa noong 1960’s  hanggang ngayon.

At sa katatapos na  Vatican summit, tinuruan ang 190 na Obispo  sa buong mundo ng “step by step lesson” mula kay Senior sex crime investigator Archbishop Charles Scicluna  kung paano iimbestigahan ang mga sexual abuse cases sa kanilang parokya.

Dapat makipag-ugnayan ang simbahan sa mga pulis o imbestigador at  kumuha ng “lay experts” sa imbestigasyon. Ibulgar din ang mga pangalan ng pari sa kanilang komunidad  kapag may desisyon na sa isasampang kaso. Bukod diyan,  meron daw dapat “right to damages” mula sa simbahan ang mga biktima ng “sexual abuse”.

Sa aking palagay, itong pag-uwi ni Manila Archbishop Tagle ay magbibigay ng bagong  mukha ng ating Simbahang Katoliko. Isa isyu ng sexua abuse  ng mga pari. Isipin niyo, mismong si Santo Papa ay umamin na nagkamali siya nang mag-cover-up sa isang  kaso ng Arsobispo sa Chile.

Dito kaya sa atin ay magka-aminan na ?  Mabulgar na rin kaya ang mga pangalan ng mga paring may reklamo ng “sexual abuse”?  o Iyong mga paring nakabuntis ng madre o lay woman sa kanilang parokya.

Abangan natin ang gagawin ni Archbishop Tagle.  At Sana po,  magbago na ang mga manyak na pari!

TAGS: pope francis, Wag kang Pikon ni Jake Maderazo, pope francis, Wag kang Pikon ni Jake Maderazo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.