12 miyembro ng MNLF ang mauupo sa BTA – OPAPP chief Galvez
Pinabulaanan ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Carlito Galvez ang pahayag ng Moro National Liberation Front o MNLF na limang miyembro lamang sa kanilang hanay ang naitalaga sa Bangsamoro Transition Authority o BTA.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Galvez na “misinformed” lamang si Bangsamoro People’s National Congress of the Moro National Liberation Front Speaker Datu Ali Montaha Babao dahil kung tutuusin, labing dalawang miyembro ng MNLF ang mauupo sa BTA.
Nauna nang nadismaya si Babao dahil limang miyembro lamang ng kanilang hanay ang ibinigay sa BTA.
Kinukwestyun din ni Babao ang pagkakasama sa limang pulitiko sa BTA gayung hindi naman sila nominado.
Ang BTA ang pansamantalang mamamahala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao matapos maratipikahan ang Bangsamoro Organic Law.
Ayon kay Galvez, wala sa dami ng bilang ng MNLF sa BTA ang mahalaga kundi ang galing ng kanilang mga miyembro para magsilbing boses.
Paliwanag pa ni Galvez na discretion na rin ng Office of the President ang pagpapasya kung sino ang mga itatalagang miyembro ng BTA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.