Malakanyang, nagluluksa sa pagpanaw ni BSP Gov. Espenilla

By Isa Avendaño-Umali February 24, 2019 - 10:24 AM

 

Nagluluksa ngayon ang Malakanyang sa pagpanaw ni Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP Governor Nestor Espenilla, Jr.

Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nalulungkot ang Palasyo sa pagkamatay ni Espenilla dahil sa tongue cancer.

Kasabay ng pakikiramay ng Malakanyang sa buong pamilya, mga kaibigan at katrabaho ni Espenilla, sinabi ni Panelo na nagpapasalamat ang gobyerno sa naging paglilingkod ni Governor Nesting sa bansa.

Taong 2017 nang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Espenilla bilang BSP Governor.

Nauna na siyang nagsilbi bilang Deputy Governor ng BSP noong 2005.

Ayon kay Panelo, si Espenilla, na isang UP magna cum laude graduate, ay maaalala ng mga Juan dela Cruz dahil sa mga ginawa nito upang mapalapit ang financial services sa mga Pinoy, gaya ng pagsusulong ng National Retail Payment System at InstaPay, na isang electronic fund transfer system, at PESONet.

 

TAGS: Bangko Sentral ng Pilipinas, BSP Governor Nestor Espenilla Jr., Bangko Sentral ng Pilipinas, BSP Governor Nestor Espenilla Jr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.