Comelec hindi mag-oorganisa ng senatorial debates

By Rhommel Balasbas February 24, 2019 - 05:53 AM

Hindi magsasagawa ng kanilang senatorial debates ang Commission on Elections (Comelec).

Sa isang panayam sinabi ni Commissioner Rowena Guanzon na ang pagbuo ng mga debate ay dapat ipasa sa mga pribadong organisasyon at mga unibersidad dahil may sapat silang pondo para sa ganitong aktibidad.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng kanilang senatorial debates ang ABS-CBN News at GMA News.

Samantala, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na sa ngayon ay nakatuon ang kanilang atensyon sa pagbaklas sa illegal campaign posters ng mga kandidato.

Bumuo na ng ‘Task Force Baklas’ ang poll body para rito.

Kinabibilangan ang task force ng Philippine National Police (PNP) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ani Jimenez, binabantayan din ngayon ng Comelec ang social media platforms ng mga kandidato para maiwasan ang overspending sa kampanya.

Nagsagsawa rin ang Comelec ng ‘over the air voter education’ sa pamamagitan ng programang ‘Radyo Comelec’.

TAGS: Commission on Elections (Comelec), May 2019 midterm elections, Senatorial debate, Commission on Elections (Comelec), May 2019 midterm elections, Senatorial debate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.