Roger Pogoy nagbabalik sa national team

Opisyal nang magbabalik sa Philippine team si Roger Pogoy bilang bahagi ng 12-man lineup ng Gilas Pilipinas.

Maglalaro na si Pogoy sa laban ng Gilas ngayong araw kung saan kanyang pinalitan si Barangay Ginebra guard Scottie Thompson.

Makakatapat ng Pilipinas mamaya ang Kazakhstan sa sixth window ng Fiba World Cup Asian qualifiers.

Hindi nakasali si Pogoy sa huling limang laro ng Gilas matapos patawan ng suspensyon nang masangkot sa gulo sa laban sa Australia noong July 2018.

Kabilang sa 12-man lineup sina Andray Blatche, Jayson Castro, June Mar Fajardo, Gabe Norwood, Japeth Aguilar, Poy Erram, Mark Barroca, Marcio Lassiter, Paul Lee, Troy Rosario at Thirdy Ravena.

Ang laban mamaya ng national team ay matapos ang kanilang ‘impressive win’ kontra Qatar noong Biyernes sa iskor na 84-46.

Read more...