2 sugatan sa sunog sa Quezon City

By Len Montaño February 24, 2019 - 03:58 AM

Dalawa ang naiulat na nasugatan sa sunog sa residential area sa Saint Dominic 4, Barangay Culiat, Quezon City.

Nagsimula ang sunog alas 12:57 Linggo ng madaling araw.

Dakong 1:06 ng umaga ay itinaas ito sa unang alarma.

Makalipas ang ilang minuto ay naitaas ang sunog sa second alarm.

Wala pang pagkakilanlan sa mga nasugatan sa sunog na nagtamo ng minor burns.

Alas 1:31 ng umaga ay nagdeklara ng fire under control.

Patuloy na inaalam ang sanhi at halaga ng pinsala sa ari-arian ng sunog.

TAGS: culiat, quezon city, residential area, sunog, culiat, quezon city, residential area, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.