94 patay matapos uminom ng nakalalasong alak sa India
Nasawi ang hindi bababa sa 94 katao habang higit 100 pa ang ginagamot sa ospital matapos uminom ng nakalalasong alak sa north-eastern India.
Karamihan sa mga biktima ay nagtatrabaho sa tea plantations sa Assam State.
Unang nakapagtala ng mga nasawi noong araw ng Huwebes ayon kay Golaghat district administrator Dhiren Hazarika.
Ang alak na nainom ng mga biktima ay naglalaman ng methyl alcohol na umaatake sa central nervous system.
Marami ang nasasawi sa India dahil sa illegal brewed alcohols dahil sa kawalan ng kakayahan ng mahihirap na bumili ng sikat na brands ng alak.
Samantala ayon sa police official na si Mukesh Agarwal, naaresto na ang may-ari ng brewing unit na pinagmulan ng ipinagbabawal na alak.
Narekober din ng polisya ang nasa 2.5 liters ng ipinagbabawal na alak.
Nitong pagsisimula lang ng Pebrero ay 80 rin ang nasawi sa pag-inom ng bootleg liquor sa Uttar Pradesh state.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.