Ayon sa tiyuhin ni Ashley na si Benny Abad, nagsampa ng kasong homicide si Cebu City Police director Sr. Supt. Royina Garma laban sa boyfriend ng dalagita na si Nel Spencer Tiu.
Sa pahayag ay sinabi ng pamilya Abad na bagamat nagdadalamhati pa sila, ang pagsasampa ng kaso ay simula ng nais nilang hustisya sa pagkamatay ni Ashley.
Umaasa rin ang pamilya ng katarungan sa mga kabataan na nahulog sa droga at umanoy pagtataksil.
Kumpyansa ang pamilya ni Ashley sa justice system na mapapanagot si Tiu at umanoy mga kasabwat nito.
Apela ng pamilya kay Tiu, huwag nitong gamitin ang kanyang yaman at impluwensya sa pagtugon sa kaso.
Ang hakbang ng pulisya ay sa kabila ng unang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi galing sa boyfriend ang ecstasy na dahilan ng pagkasawi ni Ashley.
Ayon sa Pangulo, hawak na ni Ashley ang droga at nag-text pa ito sa isang kaibigan na hati sila sa ecstasy habang may isa siyang inireserba para sa kanyang boyfriend.
Una na ring itinanggi ni Tiu na siya ang nagbigay ng droga kay Ashley.