Boyfriend ni Ashley Abad, kinasuhan ng homicide

By Len Montaño February 24, 2019 - 03:37 AM

Kinasuhan ng Cebu City Police ang boyfriend ni Ashley Abad, ang 19 anyos na namatay sa drug overdose sa Sinulog pre-event festival sa Cebu City.

Ayon sa tiyuhin ni Ashley na si Benny Abad, nagsampa ng kasong homicide si Cebu City Police director Sr. Supt. Royina Garma laban sa boyfriend ng dalagita na si Nel Spencer Tiu.

Sa pahayag ay sinabi ng pamilya Abad na bagamat nagdadalamhati pa sila, ang pagsasampa ng kaso ay simula ng nais nilang hustisya sa pagkamatay ni Ashley.

Umaasa rin ang pamilya ng katarungan sa mga kabataan na nahulog sa droga at umanoy pagtataksil.

Kumpyansa ang pamilya ni Ashley sa justice system na mapapanagot si Tiu at umanoy mga kasabwat nito.

Apela ng pamilya kay Tiu, huwag nitong gamitin ang kanyang yaman at impluwensya sa pagtugon sa kaso.

Ang hakbang ng pulisya ay sa kabila ng unang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi galing sa boyfriend ang ecstasy na dahilan ng pagkasawi ni Ashley.

Ayon sa Pangulo, hawak na ni Ashley ang droga at nag-text pa ito sa isang kaibigan na hati sila sa ecstasy habang may isa siyang inireserba para sa kanyang boyfriend.

Una na ring itinanggi ni Tiu na siya ang nagbigay ng droga kay Ashley.

TAGS: Ashley Abad, boyfriend, ecstasy, Nel Spencer Tiu, party drug, Sinulog, Ashley Abad, boyfriend, ecstasy, Nel Spencer Tiu, party drug, Sinulog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.