NU naitala ang unang panalo sa UAAP 81 women’s volleyball

By Rhommel Balasbas February 24, 2019 - 03:21 AM

Umabante ang National University (NU) sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament matapos maitala ang kanilang unang panalo.

Wagi ang Lady Bulldogs kontra University of the East (UE) sa iskor na 25-19, 25-23, 25-19 sa kanilang laban araw ng Sabao sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nagpasiklab si Ivy Lacsina matapos magtala ng 18 points para pangunahan ang NU sa kanilang unang laro na hindi kasama ang setter na si Joyme Cagande na nagtamo ng left knee injury.

Pinalitan ni Joni Chavez si Cagande at agad siyang nakapagtala ng 14 excellent sets.

Nagpahayag naman ng kasiyahan si NU head coach Norman Miguel sa panalo ng kanyang koponan sa kabila ng mga problemang kanilang kinaharap.

Samantala, nanguna para sa Lady Warriors si Judith Abil na katangi-tanging manlalaro ng koponan na nakakuha ng double digit score na 10 points.

TAGS: Filoil Flying V Center, Lady Bulldogs, Lady Warriors, National University, UAAP Season 81 women’s volleyball tournament., University of the East, Filoil Flying V Center, Lady Bulldogs, Lady Warriors, National University, UAAP Season 81 women’s volleyball tournament., University of the East

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.