Magnitude 4.0 na lindol tumama sa Negros Oriental

Naitala ang isang magnitude 4.0 na lindol sa Negros Oriental kaninang alas-2:34 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 48 kilometro Timog-Kanluran ng bayan ng Siaton.

May lalim itong 56 na kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at hindi rin inaasahan ang mga kasunod pang pagyanig o aftershocks.

Read more...