Give-aways ng mga kandidato, umani ng papuri at batikos

By Rhommel Balasbas February 24, 2019 - 03:08 AM

Mikkel Cortes FB photo

Viral ngayon sa social media ang ilan sa mga umano’y give-away ng ilang mga kandidato para sa May 13 midterm elections.

Mikkel Cortes FB photo

Sa post ng isang Mikkel Cortes, makikita ang isang box ng cellphone na may mga mukha nina Senatorial aspirant at dating Special Assistant to the President (SAP) Christopher Bong Go at Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa comments ng ilang netizen, kinukuwestyon kung saan galing ang perang ipinambili sa cellphones na umano’y pinamimigay.

Marami din namang nagsabing maaaring sarili itong pera ni Go o di kaya ay mula sa kanyang mga taga-suporta.

Sa ngayon ay may higit 1,300 reactions na ang naturang post at may higit 2,000 shares.

Samantala, mabenta naman sa netizens ang pakulo nina Makati Mayor Abigail Binay at dating Vice President Jejomar Binay.

Sa isang Facebook post ni Rome Cedric Sison, makikita ang isang portable mini fan kung saan habang umiikot ay mababasa ang pangalan ng mag-amang Binay.

Sa comments ng netizens, marami ang nagbanggit sa sumikat na linyang ‘ganito kami sa Makati’.

Sa kasulukuyan ay mayroon ng higit 4,700 reactions ang post, 1,500 comments at 5,900 shares.

TAGS: bong go, give-away, Makati Mayor Abigail Binay, bong go, give-away, Makati Mayor Abigail Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.