WATCH: Pinakamalaking Pyromusical Competiton, nagsimula na sa Clark

Video screengrab

Umarangkada na ang pinakamalaking pyro show sa buong mundo, ang 10th Philippine International Pyromusical Competition sa Clark, Pampanga araw ng Sabado.

Nasa 10 bansa ang maglalaban tuwing Sabado simula February 23 na tatagal hanggang March 30.

Unang nagpamalas ng color combination at synchronization ang CBF Pyrotechnics mula sa Belgium.

Kasama rin sa kumpetisyon ang defending champion Italy, Germany, Portugal, Finland, United Kingdom, Canada, China at Poland.

Hindi na kasali ang Pilipinas dahil hall of famer na ito sa naturang paligsahan.

Sa nakalipas na 9 na taon ay sa SM Mall of Asia sa Pasay ang venue ng pyro show pero inilipat ito sa Clark ngayong taon dahil sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Read more...