20,000 trabaho alok ng DOLE sa EDSA People Power anniversary
Isang job fair ang handog ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa paggunita ng ika-33 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Kaisa ang EDSA People Power Commission at National Historical Commission of the Philippines, isasagawa ang Trabaho, Negosyo, Kabuhayan job and business fair sa Starmall sa EDSA-Shaw sa Lunes.
Ayon sa DOLE, nasa 20,000 trabaho sa bansa at sa overseas ang alok ng 50 employers at recruitment agencies.
Kabilang sa mga trabahong alok ng local employers ay production machine operator, production workers, customer service representative, Steelman, electrician, product promodizers at iba pa.
Ayon naman sa POEA ang mga bakanteng trabaho sa ibang bansa ay laborer, nurse (general), welder, pipefitter, carpenter, technician (electrical/mechanical), foreman, steelfixer, IT engineer, at waitress.
Ilan sa countries of destination ay Estados Unidos, Canada, South Korea, Japan, New Zealand, Malaysia at Brunei Darussalam.
Ang mga aplikante ay pinagdadala ng requirements tulad ng resume o curriculum vitae, certificate of employment, diploma at transcript of records, birth certificate at 2×2 pictures.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.